Isang mapayapang gabi
May nakita 'kong dalaga
Dahan dahan kanyang lakad
Bawat hakbang mata ko'y napapasama
Kulay pula ang bibig
Tapos buhok ay mahaba
Suot-suot niya'y bistidang itim
Na unat para bang bagong plantsa
Tila diwata sa gubat taglay ng binabalot mo na misteryo't hinhin
Ako ang buwan at ikaw ang bituin
Paghawi mo sa buhok mo muli kong natanaw ang tamis ng iyong mga ngiti
Ikaw ang anghel sa gabi na madilim
Ganda mo'y nakakaakit
Pwede ba sayong lumapit
Gusto kitang kausapin
Ganda mo'y nakakaakit
Pwede ba sayong lumapit
Gusto kitang kausapin
Habang ika'y palapit
Dito saking harapan
Di na ko mapakali
Nagpawis ang katawan
Tapos ika'y dumating
Akoy'y kinakabahan
Sa mga nakaw tingin
At sa mga titigan
Lalapit bako sayo para ika'y aking kalabitin
Ngunit anong tamang salita ang dapat ko na banggitin
Pano pag tumanggi ka ikaw ba ay aking kukulitin
Bahala na si bathala basta ang aking gagawin
Ganda mo'y nakakaakit
Pwede ba sayong lumapit
Gusto kitang kausapin
Ganda mo'y nakakaakit
Pwede ba sayong lumapit
Pwede ka bang mapasakin