Di malimutan ang ginaw
At init na sumisingaw
Sayaw ng magkatunggaling
Damdamin
Natatakot, nababaliw
Nagagalit, naaaliw
Ngisi ng buwan ngayon
Ang 'yong huling bilin
Sa akin
Patak ng luha at dugo
Naghalo na sa kamay ko
Hawak na nga kita ngunit wala ka na
Yakap na sobra ang higpit
Di makagalaw, tali't ipit
Kanina lang tayo'y magkahawak-tingin
Dahan-dahan nakawala
Ngunit wala 'kong magawa
Kahit di mo nais
Sumama sa kanya
Haplos ng latigong kamay
Hawak-sakal, agaw-buhay
Isang sandaling walang saysay
Walang malay