Sabi nila madali daw mag-drive ng kotse
Paikot-ikot lang ang manibela atras-abante
Ngunit kung masyado nang mabilis
At kailangan nang huminto
Ng puso ko
Sabi ni lola madali daw magluto ng adobo
Lagyan ng konting bawang suka sibuyas at toyo
Ngunit kung masyado nang maalat
At kailangan na ng tamis
At pagmamahal
Turuan mo naman
Ang puso kong ito
Na magmahal
Pagkat hindi sanay na masaktan
Turuan mo naman
Turuan mo naman ako
Turuan mo naman
Turuan mo naman ang puso ko
Sabi ni kuya madali daw mag-alaga ng aso
Pakakainin mabuti at dapat alagaan nang todo
Ngunit kung masyado nang mahigpit ang tali
Kailangan na itong pakawalan
Turuan mo naman
Ang puso kong ito
Na magmahal
Pagkat hindi sanay na masaktan
Turuan mo naman
Turuan mo naman ako
Turuan mo naman
Turuan mo naman ang puso ko
Baka takot lang ako na magmahal
Natulog lang nang matagal
Turuan mo naman
Ang puso kong ito
Na magmahal
Pagkat hindi sanay na masaktan
Turuan mo naman
Turuan mo naman ako
Turuan mo naman
Turuan mo naman ang puso ko