Yea yea
Yea yea
Yuh
Kapag kasama ka
Ako ay masaya
Gusto mo bang sumama
Sa'kin tara patungo tayo sa
Lugar kung saan tayo lamang dalawa
Walang mas babagay
Lahat makulay
Magkahawak ang kamay
Kalimutan natin ang
Pagpitik ng oras
At ating ipikit, mga mata't
Kalimutan natin ang bukas
Lunes na naman
May pasok pa ako
Pero okay lang dahil ikaw nama'y nandyan
Simula umaga hanggang sa ating uwian
Doon tayo sa may tagpuan
Punuin ang landas ng dating gawian
Kapag kasama ka
Ako ay masaya
Mapaumaga man o gabi
'Di mawala sa isip
Kahit na magkaibigan lang tayo ay
Pag-ibig 'di magsasawa
Basta 'wag kang mawawala
Andito na ako sa ilalim ng puno ng santol
Kung saan tayo nagka
Kilala, malala na
Aking pakiramdam
Kahit 'di mo damdam
Andito lang labing malinamnam
Matamis, nilalanggam
Mga halik, masarap na parang ulam
Kahit 'di mo pansin
Bagay sana tayo parang mangga at asin
Parang pulutan sa lasing
Pwede pabulong
Utak ko ay gumugulong
'Pag ika'y ngumingiti
Ako ay nakikiliti
Parang kiti-kiti
Makati ang mga palad
Gabi-gabi ikaw ang pinapangarap
Madami akong balak
Kahit na walang alak
Sige na ibigay mo na sa akin
Pangako na hindi ka na mapapahamak
'Pag sa akin ang puso mo ay iyong 'pinahawak
Kapag kasama ka
Ako ay masaya
Gusto mo bang sumama
Sa'kin tara patungo tayo sa
Lugar kung saan tayo lamang dalawa
Hindi ka na mag-iisa
Dahil dito walang oras
Kahit dito ka magpabukas
Kapag kasama ka
Ako ay masaya
Mapaumaga man o gabi
'Di mawala sa isip
Kahit na magkaibigan lang tayo ay
Pag-ibig 'di magsasawa
Basta 'wag kang mawawala
Kapag kasama ka
Ako ay masaya
Mapaumaga man o gabi
'Di mawala sa isip
Kahit na magkaibigan lang tayo ay
Pag-ibig 'di magsasawa
Basta 'wag kang mawawala